Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na maaari nang ibenta at kainin ang mga shellfish o lamang dagat na nakukuha sa baybaying dagat ng Matarinao Bay sa Eastern Samar .
Base sa pinakahuling laboratory examinations ng BFAR sa mga shellfish sa nabanggit na karagatan , hindi na ito nakitaan ng toxic red tides.
Samantala naging positibo naman sa red tide toxin ang mga lamang dagat sa San Pedro Bay sa Western Samar base sa pagsusuri ng BFAR.
Ang iba pang coastal waters na positibo pa rin ng paralytic shellfish poison ay ang Cancabato Bay; Tacloban City sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at coastal waters ng Pampanga .
Mahigpit ang paalala ng BFAR at Local Government Unit na bawal pa rin ang paghango , pagbenta at pagkain ng mga shellfish doon.
Pero maaari namang kainin ang mga isda hipon at alimango at kailangan lamang na linising mabuti bago iluto.