Mayor NELSON BUEZA ng Garchitorena, CamSur, INAMBUSH…

95

*Pinasabugan at pinaulanan ng bala kaninang madaling-araw ang sinasakyan ni Mayor Nelson Bueza ng bayan ng Garchitorena sa Camarines Sur. *

*Naganap ang insidente kaninang lampas ala-una ng madaling lamang habang tumatakbo ang sinasakyan ng alkalde mula sa bayan ng Tigaon pabalik sa Garchitorena, Camarines Sur. *


*Sa interview, sinabi ni Bueza na tinatahak nila ang Barangay Maligaya nang madaanan nila ang grupo ng Task Force Sagip Kalikasan. *

*Napansin ni Bueza na sumakay sa motorsiklo ang mga myembro ng TFSK at nang makalapit na ang grupo, biglang may sumabog kasunod ng pagratrat ng baril sa sinasakyan ng alkalde. *

*Maswerte namang nakaligtas si Mayor Bueza kasama ang kanyang misis. *

*Kasalukuyang tinututukan ng pulisya ang pag-imbistiga sa pangyayaring ito. *

*Si Bueza ay re-electionistang mayor ng Garchitorena at kaalyado ng malakas na Congressional aspirant na si Arnie Fuentebella. *

*Kalinyada rin ni Bueza ang patuloy na umaarangkada at nangungunang kandidato sa pagka-gubernador ng Camarines Sur na si Rolando –Nonoy- Andaya, Jr. *

*With notes and photos from post of kenshinbatusanparpan*



Facebook Comments

From Advertisers