MAYOR NG BINMALEY AT ANG ASAWA NITO, POSITIBO SA COVID-19

BINMALEY, PANGASINAN – Inihayag ni Binmaley Mayor Simplicio Rosario kagabi, ika-30 ng Agosto na positibo ito sa COVID-19 maging ang kaniyang asawa.

Ayon sa alkalde, siya ay nanatiling asymptomatic ngunit ang kaniyang asawa ay nakakaranas ng mild symptoms kung kaya’t sila ay sumasailalim sa quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Samantala, inanunsyo din ni Binmaley Councilor Vismark Valerio na positibo ito sa sakit kahit pa fully vaccinated na.


Sa huli, nanawagan ang mga ito na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga minimum public health standard bilang pakikiisa sa paglaban sa COVID-19.

Facebook Comments