Mayor ng San Agustin Isabela, Sinuspinde ng 3 Buwan!

San Agustin, Isabela – Sinuspinde ng tatlong buwan si Mayor Cesar Mondala ng bayan ng San Agustin, Isabela matapos ipatupad ng DILG ang pagbaba nito sa pwesto dahil sa kasong administratibo.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Bayan member Eddie Mayor ng San Agustin, Isabela, nagsadya at isinilbi ng Provincial Director ng DILG ang suspension kay Mondala kahapon ng umaga at kaagad din na pinasumpa si Vice Mayor Padilla bilang mayor ng nasabing bayan.

Matatandaan na ang suspension order ay naisampa noong July 05 2017 sa tanggapan ng ombudsman na mula kay bise mayor Virgilio Padilla dahil sa dalawang kasong malversation of public fund na napawalang bisa dahil sa kakulangan ng ebidensya at ang kasong administratibo o grave misconduct and prejudicial of dis-interest of the service and serious dishonesty.


Samantala si SB member Eddie Mayor ay dating pangalawang councilor na ngayon ay unang SB member na matapos na naging bise mayor ang dating first councilor ng San Agustin, Isabela.

Facebook Comments