Medical waste sa Metro Manila kada araw, umabot na ng 280 tons dahil sa pandemya

46

Tumaas ng hanggang 280 tonelada ang medica waste sa Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.

Batay sa ulat ng Asian Development Bank (ADB) at United Nations, ang bawat tao sa healthcare facility ay lumilikha ng 3.5 kilograms ng health care waste dahil sa COVID-19 kada araw.


Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, madalas nakikitang basura ay disposable face masks lalo na at walang malinaw na tapunan para rito.

Ipinag-utos na ng DENR ang paggawa ng yellow trash bins para sa household healthcare waste.

Aabot na sa 100 yellow trash bins ang ipinamahagi sa Lungsod ng Maynila habang libu-libo pa ang nakatakdang ipamahagi sa ibang lungsod sa mga susunod na buwan.

Ang trash bins ay lalagyan ng label at ihihiwalay sa mga normal na basurahan.



Ang infectious waste ay ilalayo sa mga pasyente at publikong lugar.


Facebook Comments