BANTAY-PRESYO SAMERKADO, PAAANDARIN NG DTI SA SAN FABIAN

Pinaandar ang mahigpit na price monitoring sa bayan ng San Fabian matapos iutos ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang agarang activation at mobilization ng Local Price Coordinating Council (LPCC) noong Abril 13, 2026.

Sa LPCC meeting kasama ang lokal na pamahalaan, iginiit ang pangangailangang bantayan ang galaw ng presyo ng mga bilihin sa bayan.

Ayon sa DTI, direktang nakaapekto ang oil price hike sa merkado na nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng basic necessities at prime commodities (BNPCs).

Dahil dito, nagsasagawa ang LPCC ng koordinadong inspeksyon sa presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin.

Tinalakay rin sa pulong ang mga probisyon ng Price Act kabilang ang papel ng mga ahensya gaya ng Department of Agriculture (DA), Department of Energy (DOE), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Health (DOH) sa monitoring. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments