Mga hakbang para sa mental health problem, dapat pang paigtingin ayon sa isang senador

Kinalampag ni Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na mas paigtingin pa ang mga hakbang para tuluyang masugpo ang mental health pandemic sa mga Pilipino.

Tinukoy ni Gatchalian na lalong pinalala ng pandemya na COVID-19 ang mental health ng mga Pilipino dahil sa mga hamong kinaharap ng marami sa mamamayan.

Binanggit ng senador ang biglang pagtriple sa bilang ng tawag na natanggap ng National Center for Mental Health (NCMH) na nasa 3,125 noong 2019 at biglang akyat ito sa 11,017 noong 2020.


Kapansin-pansin din ang lalo pang pagtaas ng mga tawag sa NCMH na may kinalaman sa mental health problem noong 2021 na umabot sa 14,897.

Partikular na nanawagan si Gatchalian sa Department of Health (DOH) at sa PhilHealth na gawin ang lahat ng makakaya para maipatupad ang batas para sa mental health at mapangalagaan ang mga kababayan.

Facebook Comments