Pamahalaan, target pabilisin ang rollout ng booster shots para maabot agad ang immunity wall

Target ng pamahalaan na mapabilis ang rollout ng COVID-19 booster shot para makamit ng bansa ang “wall of immunity.”

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, layon ng “wall of immunity” na mapigilan ang surge tuwing may bagong variant ng COVID-19.

Aniya, para makamit ang immunity wall, mahalagang mabakunahan ang lahat ng kwalipikadong indibidwal.


Sa 57.8 milyong Pilipino na may kumpletong bakuna, nasa halos 6.7 million pa lang ang nakatanggap ng booster shot dose.

Facebook Comments