Mga kabataang Lumad, mananawagan sa DOJ para mapadali ang imbestigasyon sa pagkamatay ng grade 6 pupil sa Compostela Valley

Manila, Philippines – Kakalampagin mamaya ng mga kabataang Lumad at Children’s Right Advocates katuwang ang kanilang mga magulang na Lumad ang tanggapan ng Department of Justice upang hilingin kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na pabilisin ang pag-usad ng kasong pagpatay kay Obello Bay-Ao grade 6 pupil ng Salugpongan Community Learning Center sa Mabini Compostela Valley.

Matatandaan na inakusahan ng grupo ang Para-Military group na ALAMARA at CAFGU na responsable umano sa pagpaslang kay Bay-Ao noong September taong ito sa Mabini Compostela Valley.

Ayon kay Noy Palay Liaison Officer ng Save Our School Network magsasampa sila ng apela sa DOJ upang mabigyan ng agarang aksyon at walang kinikilingang imbestigasyon sa pagkamatay ng mag-aaral na Lumad.


Facebook Comments