LALAKI NA MAY WARRANT OF ARREST SA KASONG PAGLABAG SA ANTI-VAWC LAW, ARESTADO SA POZORRUBIO

Arestado ng mga tauhan ng Pozorrubio Police Station ang isang lalaki na residente ng Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women andTheir Children Act.

Isinagawa ang operasyon sa pamumuno ni PMAJ Jorlan P. Salcedo, Chief of Police, katuwang ang Mayantoc Municipal Police Station at Tarlac Police Provincial Office sa ilalim ng PRO3.

Batay sa ulat, inilabas ang warrant of arrest noong Nobyembre 13, 2026 mula sa Regional Trial Court Branch 49 sa Urdaneta City, Pangasinan.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5(a) at 5(i) ng naturang batas na may kabuang piyansa na ₱75,000.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng Philippine National Police ng mga operasyon laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso upang matiyak ang pagpapatupad ng batas at kaligtasan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments