
Hinding hindi papayagan ng House Prosecution Panel ang anumang maaring hakbang ng defense team para mai-delay ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Giit ni House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. walang dahilan para madelay ang paglilitis kay VP Duterte na nakatakdang magpatuloy alas-dyes ng umaga ngayong araw alinsunod sa schedule na inilatag ng impeachment court.
Umaasa si Tolosa na walang anumang mga peripheral matters ang isusulong ng depensa sa halip na agad itong magpresenta ng ebidensya kontra sa alegasyon na mayroong hindi maipaliwanag na yaman ang bise presidente.
Pahayag ito ni Tolosa, sa harap ng posibilidad na igiit pa rin ng defense team na magpresenta ng ebidensya sa tatlong articles of impeachment na ini-atras na ng prosekusyon.
kabilang dito ang mga alegasyong grave threats, maling paggamit ng confidential funds at pagsuhol sa mga opisyal ng department of education.










