Tuesday, November 10, 2026

Pagbebenta umano ni dating Congressman Zaldy Co ng proyekto kapalit ng komisyon, alam umano ni dating House Speaker Martin Romualdez — Navotas Rep. Tobi Tiangco

Inihayag ni Navotas Representative Tobi Tiangco, sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong Martes, November 10, na ipinagbigay-alam niya kay dating House Speaker Martin Romualdez, sa isang pribadong pagpupulong noong December 2, 2024, na may ibinibenta umanong mga proyekto si dating Congressman Zaldy Co kapalit ng 10% na komisyon bilang presyong kamag-anak.

Ikinadismaya umano ni Tiangco ang naging tugon dito ni Romualdez dahil, imbes na kontrahin ang pagbebenta ni Co ng mga proyekto, sinabi pa umano ni Romualdez kay Tiangco na dapat ay sa kaniya na lang direktang lumapit si Tiangco.

Ito umano ang nagpatibay sa hinala ni Tiangco na alam at hinahayaan lamang ni Romualdez ang pagbebenta ni Co ng mga proyekto kapalit ng komisyon.

Samantala, nalaman umano ni Tiangco ang nasabing kondisyon nang humingi siya ng karagdagang P200 million kay dating Congressman Dong Gonzales, na hindi niya naman umano itinuloy dahil sa nasabing porsyento.

Sa kabilang banda, tinawag naman ng depensa na double hearsay o narinig lamang din sa ibang tao ang pahayag ni Tiangco.

Facebook Comments