Mga kawatan ng motorsiklo muling umarangda

Tila ayaw paawat ang mga kawatan ng motorsiklo sa lungsod dahil kagabi 6:45 ng gabi isang Honda XRM 125 na naman ang ninakaw sa sinsuat avenue particular sa tapat ng Mike@works flower and ballon shop.
Kinilala ang biktima nasi Douglas Sarimos Ahunin Jr 31 anyos residente ng notre dame avenue barangay poblacion dos cot.city. Nakuha ang kanyang kulay pulang Honda XRM 125 na may plakang MZ-5237.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2 ni PCI Efren Salazar, pansamantala lamang daw ipinarada ng biktima sa naturang lugar ang motorsiklo at pumasok ito sa nasabing flower shop, pagkalipas lang ng 5 minutes ng kanyang balikan ang XRM ay laking gulat niya ng nawawala na sa parking area, na tinangay ng mga kawatan ng motor.
Walang nagawa ang biktima kundi dumulog na lang sa PP2 para maflash alarm…Sa ngayon ay patuloy parin sa follow up operation si PCI Salazar sa posibilidad na mabawi ang XRM… Samantala pinag iingat ng ating kapulisan ang publiko na may single motorcycle dapat kadinahan ang kanilang motor upang hindi manakaw dahil batay sa monitoring ng PNP ay meron ng dayo na carnapper sa lungsod.

Facebook Comments