Inihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.
Inilibing ang kanyang mga abo sa Utrecht, the Netherlands na dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan at kasamahan.
Kabilang sa dumalo sa seremonya ng libing si Kristina Lie Revheim, special envoy at third party facilitator ng GRD-NDFP Peace Process.
Bago namatay ay sinabi umano sa kanya ni Sison na lagi silang bukas sa pakikipag-negosasyon sa gobyerno ng Pilipinas.
Pumanaw ang longtime CPP leader noong December 16 sa edad na 83 dahil sa sakit sa puso.
Facebook Comments