MGA NEGOSYANTENG HINDI NAGBABAYAD NG RENTA SA CALASIAO, INISYUHAN NG NOTICE OF DELINQUENCY

Inisyuhan ng Notice of Delinquency ang mga negosyante sa bayan ng Calasiao dahil sa hindi nila pagbabayad sa mga pwestong kanilang nirerentahan.
Nasa labing dalawang negosyante sa bayan partikular sa Malong St. Brgy. Poblacion West ang naisyuhan ng naturang notice dahil sa hindi pagbabayad ng renta.
Gumagawa ng updated status sa billing ang Business Permit ang Licensing Office para sa mga negosyanteng hindi pa updated ang payment sa kanilang mga nirerentahang stalls kung saan ang ilan sa mga ito ay umabot na sa isang daang libong piso ang pagkakautang sa loob ng isang taon.

Binigyan din umano ang mga ito ng sapat na palugit ang mga ito para unti-unting makapagbayad bago sila makatanggap ng Delinquency Notice.
Sa ngayon, kasalukuyan pang nagco-compute ang Business Permit and Licensing Office ng Calasiao sa kabuuang utang ng mga negosyante sa kanilang renta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments