Mga pagsabog, narinig malapit sa Pag-asa Island

Sunod-sunod na mga pagsabog sa isa sa mga artificial island ng China sa West Philippine Sea ang narinig ng mga residente ng Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan noong Linggo.

Sa ulat ng Palawan Police, pinaghihinalaang nanggaling sa artillery guns sa Subi Reef ang mga umalingawngaw na pagsabog.

Nagsimula ito ng alas-11:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.


Sa lakas ng impact ay ramdam ng mga residente ang pag-uga ng lupa.

Narinig ang mga pagsabog matapos ang insidente ng sapilitang pagkuha ng Chinese Coast Guard sa hinihilang “unidentified floating object” na namataan ng Naval Station Emilio Liwanag sa Pag-asa Island.

Ayon sa AFP-Western Command, kawangis ito ng metal debris mula sa Long March 5B Rocket ng China na narekober sa Busuanga kamakailan.

Samantala, aabot sa 30 hanggang 37 mga barko ng China at militia vessels ang namataang nakapalibot sa isla.

Facebook Comments