Mga pasaway na iligal vendors, balik muli sa pagtitinda sa Estero De Binondo matapos ang clean-up drive

Matapos ang ikinasang clean-up drive, balik muli sa kanilang pwesto ang mga iligal vendors malapit sa Estero De Binondo sa Juan Luna Street sa Maynila.

Bukod dito, tambak na din ang basura sa kalsada kung saan karamihan sa mga ito ay galing sa mga tindero’t tindera sa nasabing lugar.

Matatandaan na katatapos lamang ng clean-up drive na isinagawa ng lokal na pamahalaan at Department of Environment and Natural Resources nitong nakaraang araw.


Kahit pa sinimulan ang dredgging, sangkaterbang basura pa din ang nahahakot kung saan ang nasabing hakbang ay parte pa din ng tinatawag na programa ng gobyerno na Battle for the river and Estero.

Facebook Comments