Mga personalidad na nasa likod ng pagbaliktad ng mga suspek sa Degamo murder, pinangalanan ni Sec. Remulla

Pinangalanan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang mga personalidad na nasa likod ng pagbaliktad ng mga akusado sa Degamo murder case.

Kabilang sa tinukoy ni Remulla si Marvin Miranda na isa sa mga akusado sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at naka-detain ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kasama rin aniya sa mga bumuo ng choreography o nag-orchestrate si dating Justice Undersecretary Atty. Reynante Orceo, gayundin ang abogado ng mga akusado na si Atty. Danny Villanueva.


Sinabi ni Remulla na nagpapatuloy ang kanilang ugnayan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) matapos nilang iparating sa IBP ang naging kilos ng mga abogado.

Iginiit din ng kalihim na pera ang nasa likod ng pagdepensa ng naturang mga abogado kay suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.

Facebook Comments