Muling naglunsad ng airstrike ang Tactical Operation Group 12 sa ilalim ng Joint Task Force Central sa mga papatakas na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa loob ng SPMS box makaraan ang dalawang araw na pinalakas na opensiba ng Kampilan sa barangay Pagatin 1 Shariff Saydona Mustapha municipality. Ayon sa report mula sa 6th Infantry Kampilan Division, dakong alas 4:49 ng umaga kanina ng paulanan ng mga rockets mula sa dalawang AW-109 Augusta attack helicopter ang position ng grupo ni Abu Torayfe, Commander Karilan at Commander Bongos sa sitio Dansuli barangay Pagatin at barangay Penditen sa bayan ng Datu Salibo Maguindanao. Tumagal ng ilang oras ang airstrike habang patuloy na nagsasagawa ng manuever ang tropa ng 2nd mechanized battalion sa ground. Ipinag-utos ni 6th ID Commanding General, Major General Arnel Dela Vega sa mga tropa nito ang pagpulbos sa terorista. Noong isang araw ay dalawang pagawaan ng armas ng BIFF ang natuntun ng Army at nasamsam ang sangkatutak na baril.Sinabi ni Maj.General Dela Vega, na hihina na ang pwersa ng BIFF dahil sa patuloy na opensiba nila.
Mga pinagtataguan ng mga BIFF muling binomba ng air asset ng JTF Central
Facebook Comments