MGA PUNONG BARANGAY SA BAYAN NG MAKATO, NAKATANGGAP NG PAGKILALA MULA SA PDEA-AKLAN

Makato, Aklan – Nakatanggap ng pagkilala mula sa PDEA-Aklan ang mga Punong Barangay sa bayan ng Makato, Aklan sa isinagawang Joint Municipal Peace and Order Council Meeting at Municipal Anti-Drug Abuse Council nitong nakaraang Linggo sa pangunguna ni Makato Mayor Ramon Anselmo Martin D. Legaspi III.
Ang mga barangay na nakatanggap ng pagkilala na nasa Verification of Status ay ang Baybay, Cabatanga, Cajilo, Calangcang, Calimbajan, Castillo, Cayangwan, Dumga, Mantiguib, Poblacion at Tugas.
Habang ang barangay Agbalogo, Aglucay, Alibagon, Bagong Barrio, Tibiawan at Tina ay nakatanggap naman ng pagkilala bilang No Presence of Drug Personalities.
Kasabay nito, ay nagbigay rin ng updates ang Local Comelec sa mga schedule of activities ng paparating na Barangay at SK Elections 2023 at ang Makato MPS ay nagbigay naman ng report sa sitwasyon ng Peace and Order.
Facebook Comments