MGA SERBISYO PARA SA OFWS, INILAPIT SA PEOPLE’S CARAVAN SA URDANETA CITY

Inilapit sa publiko ang iba’t ibang serbisyo para sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa isinagawang People’s Caravan na “Serbisyong Dala ay Pag-asa” noong Mayo 19 sa Urdaneta Cultural and Sports Center.

Kabilang sa mga nakilahok sa aktibidad ang Department of Migrant Workers Regional Office 1 (DMW RO1), na nagbigay ng assistance kaugnay ng overseas employment at reintegration programs para sa mga OFW.

Nagkaroon din ng job fair at information drive kung saan nagbigay ng gabay ang ahensya hinggil sa overseas recruitment procedures, Overseas Employment Certificate (OEC) processing, at iba pang serbisyong may kaugnayan sa proteksiyon at kapakanan ng migranteng manggagawa.

Pinangunahan ng National Housing Authority (NHA) ang caravan katuwang ang lokal na pamahalaan ng Urdaneta City at iba’t ibang national government agencies.

Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga ahensya tulad ng OWWA, DOLE, PhilHealth, Pag-IBIG Fund, DOH, PNP, PSA, SSS, LTO, DTI, PAO, DSWD, at iba pa upang maghatid ng serbisyong pampubliko sa mga residente.

Ayon sa mga organizer, layunin ng caravan na mas mapalawak ang access ng publiko sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng one-stop community outreach activity. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments