Mga suspeks sa pamamaslang sa guro sa Parang Maguindanao, arestado

Naaresto na ng Parang PNP ang magkapatid na suspeks sa pamamaril patay sa isang guro sa Brgy Tuka Maror noong gabi ng Lunes.

Kinilala ni Chief Inspector Erwin Tabora ang mga nahuli na sina Adim at Sammy Aragasi nasa tamang edad.

Naging posible ang pagkakadakip sa magkapatid matapos maituro ng mga residente sa nanbanggit na barangay.


Matatandaang pinagbabaril ng dalawa ang second wife ng kanilang amang baranggay kapitan gamit ang m16 armalite.

Dead on the spot ang biktimang guro na si Hadiya Aragasi .

Inihahanda na ang kaso sa naarestong suspeks, habang agad na ring pinulong ni PCIns Tabora ang pamilya ng dalawang panig upang dina mauwi sa RIDO ang nangyaring insidente.(DENNIS ARCON)

PARANG MPS Pic

Facebook Comments