Mga tauhang sisibakin dahil sa pagtakas ni Alice Guo sa bansa, malapit nang ilantad –PBBM

Hindi lang sisibakin, kundi kakasuhan pa ang mga sangkot sa pagpapatakas kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

Ito ang iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos sa ambush interview sa National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.

Ayon sa pangulo, malapit na nilang ibunyag ang mga personalidad na posibleng masibak dahil sa pagpapatakas sa dating alkalde.


Pinaplantsa na rin ng pamahalaan ang mga proseso para mapauwi ng Pilipinas ngayong araw si Guo na nahuli sa Indonesia.

Wala na rin aniya siyang ibababang marching orders sa law enforcement agencies at iba pang kaugnay na ahensya, dahil ginagampanan na nila ang legal orders mula sa mga korte para mapauwi ng bansa si Guo.

Facebook Comments