Kalibo, Aklan — Unti-unti ng dumadami ang mga turistang bumisita sa isla ng Boracay kung saan mula Disyembre 1 hanggang Disyember 9 ay umabot na ito sa 2, 367. Ito ay base sa datus na ipinalabas ng Malay Municipal Tourism Office. Sa nasabing numero mga turistang galing sa National Capital Region ang may pinakamarami na 1, 950, sinusundan ng Aklan na may 367; Probinsya ng Iloilo na may 16; Iloilo City na may 14; Cebu na may 9; Antique at Negros Occidental na may tag 4; Bacolod City na may 2 at Capiz na 1 habang wala namang bumisita na galing sa Guimaras at Negros Orriental. Inaasahan pang tataas ang bilang nito sa papalapit na araw ng Pasko at Bagong Taon.
Facebook Comments