Kalibo, Aklan — Umabot sa 26, 354 ang mga turistang bumisita sa isla ng Boracay sa buwan ng Hunyo.
Base sa datus ng Malay Tourism Office ang nasabing numero ay narekord mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 30, 2021.
Nangunguna pa rin ang mga turista na galing sa National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming bumisita na umabot sa 16,855.
Sinusundan ito ng Region IV-A, Calabarzon na may 5,757 habang 1,989 naman ang mga turista na galing sa Region 3- Central Luzon.
236 naman ang galing sa Region II-Central Visayas at 200 ang galing sa Western Visayas, 696 naman ang mga Aklanon na bumisita sa isla.
152 ang taga Region II-Cagayan Valley, 142 sa Region I-Ilocos Region, 124 sa CAR, 73 sa Region V-Bicol Region, 31 sa Region XI-Davao Region, 28 sa Region VIII-Eastern Visayas, 19 sa Region X-Northern Midanao, 12 sa CARAGA, 10 sa SOCCSSARGEN, 5 sa Zamboanga Peninsula at 2 sa BARMM.
Napag-alaman na noong Hunyo 26 ang may pinakamataas na arrival na umabot 1,296.
13, 102 ang mga lalaki at at 13, 252 ang mga babae dito.
MGA TURISTANG BUMISITA SA ISLA IT BORACAY SA BUWAN NG HUNYO UMABOT SA 26, 354
Facebook Comments