Malay, Aklan – Umabot na sa 1, 616 ang mga turistang pumunta sa isla ng Boracay. Base sa data ng Malay Municipal Tourism Office (MTO) mula Setyembre 1 hanggang 19, 2021 ay nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na may 954, sinusundan ng Region III (Central Luzon) na may 145; Region IV-A (CALABARZON) na may 90; Western Visayas 86; Region VII (Central Visayas) 25; Region V (Bicol Region) 18; Region I (Ilocos Region) 14; CAR 11; Eastern Visayas at Davao Region na may tag 9; Cagayan Valley at Zamboanga Peninsula na may tag 2 at MIMAROPA na 1 habang ang mga galing sa Aklan ay 250. Matandaan na muling binuksan ang isla ng Boracay sa turista na galing sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ noong Setyembre 16 kasama na dito ang mga galing sa National Capital Region (NCR) na may edad 18 hanggang 65-anyos pero “subject to reasonable restrictions based on comorbidities”. Sa mga non-Aklanon na pupunta sa isla kailangan lamang na magpakita nga negative RT-PCR test result na valid sa loob ng 72 oras, valid government ID na may proof of residence, booking confirmation sa DOT-accredited accommodation establishment, travel details at S-Pass Travel Coordination Permit.
Mga turistang bumisita sa isla ng Boracay mula September 1-19, umabot na sa 1, 616
Facebook Comments