Kalibo, Aklan — Nagreklamo ngayon ang isang misis matapos na resitahan ng maling gamot ang kanyang anak sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.
Ayon sa kwento nga nanay unang na confined ang kanyang anak noong Pebrero 3 matapos na ito’y aksidenteng nahulog sa dagat at nakalabas ito Pebrero 7, 2018.
Habang naka admit ang kanyang anak ay may mga gamot na iniresita ang kanyang doctor na si Dra. Uyaco. Sa unang inum pa lang ng gamot na yon ay hindi na maganda ang epekto dahil sa namimilipit ito sa sakit ng ulo.
Agad naman itong ipinaalam ng nanay sa mga nurse pero kanila pa rin itong itinuloy sa pagpapainum at sinabi na ito talaga ang niresita ng kanyang doktor.
Hanggang sa nakalabas ito ng hospital at tinubuan na ito nga mga butlig na naging sugat ang buong katawan, pati sa loob ng baba at lalamunan na hindi na makakain at makainum ng tubig.
Ibinalik nanaman nila ito sa hospital Pebrero 18 dahil sa grabe na ang mga sugat sa katawan ng bata.
Agad kinausap ng nanay ang nasabing doktora pero kanya itong na-denie na hindi sa kanya galing ang resita pero ipinagpilitan ito ng nanay dahil meron pang perma ang resita na hawak-hawak nila at nagbigay pa ito ng referral.
Hinanap ng nanay ang resita na nakalagay sa chart ng kanyang anak at hanggang sa inamin ng nasabing doktora sabay hingi ng tawad sa nanay dahil nagkamali sya.
Sa ngayon ay hindi na makita ang nasabing resita dahil kinuha ulit ito ng doktora. Hindi pa ito nakapagbigay ng pahayag pero ang chief of clinic ay nakipag usap na sa nanay ng biktima kasama ang RMN Kalibo.
Misis nagreklamo matapos na niresitahan ng maling gamot ang kanyang anak
Facebook Comments