MODUS | Chinese national na biktima ng mga loan shark syndicate sa casino, nasagip

Manila, Philippines – Nasagip ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group ang isang Chinese national na panibagong biktima ng mga loan shark syndicate sa casino.

Ayon kay PNP-AKG Director Senior Supt. Glenn Dumlao, natunton nila ang biktimang Si Yo Yhun Tsa sa isang ospital sa Maynila matapos iwan ng kaniyang mga kidnapper.

Aniya, tinorture ng mga kidnappers na Chinese national rin si Yo kaya ito nagkasakit.


Sinabi ni Dumlao na nagpahanda ng P600,000 na ransom ang mga kidnapper pero nakatunog ang mga ito kaya iniwan na lang ang biktima sa ospital.

Aminado ang PNP-AKG na problema talaga nila ngayon ang ganitong modus na target ang mga casino players pautangin kapalit ng malaking halaga at kapag hindi nakapag-bayad ang mga biktima ay kanila itong dudukutin at ipatutubos sa kanilang pamilya.

Facebook Comments