
CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas ang tinaguriang top 7 Most Wanted Person-Regional Level ng NCRPO sa Benito Soliven, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas ” Frank”, 29-anyos, cellphone technician, at tubong Benito Soliven, Isabela.
Si alyas “Frank” ay binansagan ring top 1 most wanted Provincial Level sa Metro Manila at top 2 naman sa City of Manila.
Naaresto ang suspek bisa ng warrant of arrest na inilabas ng National Capital Judicial Region Branch 6, Metro Manila noong January 23, 2024 sa kasong Statutory Rape at Sexual Assault.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Benito Soliven Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.
Samantala, ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Benito Soliven PS, Regional at Provincial Intelligence Team, PNP NCR, RMFB at IPPO.