
Cauayan City – Paiigtingin pa ng kasundaluhan ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang kanilang pagbabantay sa probinsiya ng Abra ngayong National and Local Elections 2025.
Ang kasundaluhan ay bumuo ng Task Force Abra, na silang naatasan upang tutukan ang halalan sa lugar at panatilihin ang maayos, mapayapa, at patas na halalan ngayong Mayo.
Katuwang nila sa pagsisiguro ng kapayapaan sa mga lugar na kabilang sa Areas of Concern ang Commission on Elections at Philippine National Police.
Mahigit 100 na sundalo ang ipinadala ng 5th ID sa mga lugar na nasa yellow at orange category, mga lugar na na mahigpit na binabantayan dahil sa banta ng election related violence incidents sa pagitan ng mga partidong magkalaban ngayong halalan.
Ang pwersa ng mga star troopers na ipinadala sa mga lugar na ito ang siyang tututok sa sitwasyon ngayong panahon ng eleksyon hanggang sa tuluyang may maideklarang manalo upang makapag focus naman sa Territorial Defense Operations ang 24th Infantry Battalion na siyang nakatalaga sa lugar.