
Plano ng pamahalaan na magpatayo ng murang dormitoryo sa limang state universities and colleges o SUCs.
Layunin nitong mabawasan ang gastos ng mga estudyante sa upa at tirahan para mas marami ang makapagpatuloy sa kolehiyo.
Tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Project BALAY o Building Access to Learning for Students sa pulong ng Economy and Development Council sa Malacañang.
Magtutulungan ang Commission on Higher Education o CHED at Pag-IBIG Fund sa pagpapatupad nito.
Unang makikipag-ugnayan ang dalawang ahensya sa mga SUC sa Regions I, II, III at Cordillera Administrative Region.
Tinatayang P165.6 million ang gagastusin sa bawat dormitoryo.
Gagamitin dito ang pondo ng pamahalaan at pautang mula sa Pag-IBIG Fund.
Facebook Comments










