Naarestong Japanese National na sangkot sa online fraud, hawak na ng Bureau of Immigration

24

Naka-detain na sa detention cell ng Bureau of Immigration (BI) ang wanted na Japanese national na sangkot sa online fraud.

Ang Hapon ay kinilalang si Yuki Watanabe, alyas Kenji Shimada at Shi Shimada, nakilala rin sa tawag na Big Boss.


Si Watanabe ay nagpositibo rin sa COVID-19 matapos isalang sa RT-PCR tests.

Ang nasabing Hapon ay sinasabing responsable sa pinakamalaking telecommunication fraud operation sa Japan at maging sa Pilipinas.

Arestado rin sa operasyon sa isang hotel sa Paranaque ang kasama nitong Hapon na nakatakdang ipadeport dahil sa pagiging undocumented alien.

Facebook Comments