Santiago City, Mayroon na Lamang 43 COVID-19 Active Cases

8

Cauayan City, Isabela- Nasa 43 na lamang ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Santiago.

Sa pinakahuling ulat ng Santiago City Health Office, mayroong labing isa (11) na naitalang panibagong kaso habang may anim (6) naman na bagong gumaling.


Wala namang naitala ang Lungsod ng kaso ng mortality na may kinalaman sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 4,257 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod; 4,100 rito ang gumaling samantalang 114 ang namatay.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng lokal na pamahalaan sa mga nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo maging ang disinfection sa mga bara-barangay sa nasabing Lungsod.

Facebook Comments