Monday, May 4, 2026

Mahigit 100,000 indibidwal , naapektuhan ng pag-alburoto ng bulkang mayon — OCD

Nasa kabuuang 102,406 na mga indibidwal o katumbas ng 30,522 na mga pamilya ang naitalang naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon ayon sa huling tala ng Office of Civil Defense (OCD) Region 5.

Ang nasabing bilang ay mula sa 87 na mga barangay sa mga naapektuhang lugar sa Region 5 partikular na ang Albay.

Samantala, nasa higit 1,000 pamilya o higit 5,000 indibidwal ang kasalukuyang nasa loob ng mga evacuations centers.

Habang nasa 26 na pamilya o 85 na indibidwal ang inaassist naman sa labas ng mga evacuations.

Tiniyak naman ng OCD Region 5 na patuloy ang kanilang isinasagawang koordinasyon, monitoring at pagresponde sa mga apektadong lugar.

Ayon pa sa OCD, nag-deploy na rin ng mga water trucks, water filtration systems at nagpamahagi na rin ng N95 masks at malong sa mga naapektuhang indibidwal.

Patuloy naman ang isinasagawang clearing operations sa mga kalsada sa mga naapektuhang lugar.

Facebook Comments