
Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na aaksyunan pa rin nila “forthwith” ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte oras na ma-i-transmit sa Senado ang mga articles of impeachment.
Ito ang pagtitiyak ni Sotto kasunod ng Supreme Court decision na nagbabasura sa petisyon na nagoobliga sa Senado na mag-convene noon bilang impeachment court.
Para kay Sotto, ang ruling ng korte ay base lamang sa nakahain na petisyon at hindi saklaw ng desisyon ang kasalukuyang trabaho nila sa Senado.
Binigyang-diin ng Senate President na sila ay co-equal branch at ang petisyon ay walang kinalaman sa kasalukuyang mga aksyon ngayon ng mataas na kapulungan.
Naninindigan din ang senador na kapag na-i-transmit na ang articles of impeachment sa Senado, kinabukasan agad ay mag-co-convene sila bilang impeachment court.
Samantala, sinabi ni Sotto na ang mga possibilities, paghahanda at schedule ng Senado ay dedepende pa rin kapag nasa Senado na ang mga articles of impeachment.










