NAGKASUNDO NA | Pagdinig ng senado ukol sa mga panukalang pag-amyenda sa 1987 constitution, itutuloy ngayong araw

Manila, Philippines – Itutuloy ng Senate Committee on Constitutional Amendments ngayong araw ang pagdinig ukol sa mga panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ito’y matapos magkasundo ang senado at kamara sa alitan nila sa charter change at pagpapalit tungo sa Federal System.

Umaasa si Senate Pres. Koko Pimentel, na magpapatuloy ang mga pagdinig na walang sagabal.


Aniya nagpulong sila ni House Speaker Pantaleon Alvarez nitong nakaraang linggo para resobalhin ang hindi pagkaka-intindihan sa Cha-Cha.

Matatandaang isinusulong ng PDP-laban ang charter change tungo sa federalism pero maraming senador ang hindi sumang-ayon at mas nais unahin.

Nais kasi ng mga senador na baguhin muna ang ilang economic provisions at ihiwalay ang kanilang boto mula sa house members kung magkakasundo ang dalawang kapulungan na mag-convene sa pamamagitan ng constituent assembly.

Facebook Comments