NAGSANIB PWERSA | Kumplikasyon sa panganganak, lalabanan!

Manila, Philippines – Nakipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) upang pababain ang kaso ng kamatayan sa mga bagong panganak na ina at bagong silang na sanggol dahil sa sepsis o impeksyon sa pagbubuntis.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nagsimula na ang ginagawa nilang pag-aaral kung saan mga piling babae ang sumasailalim sa ngayon sa obserbasyon ng Health Department at tatagal hanggang sa December 4.

Ayon sa kalihim, ang mga datos na makukuha mula dito ay gagamiting basehan, para i-assess ang problema ng bansa sa naturang usapin.


Sa kasalukuyan aniya, nasa 9 na ospital na sa Manila ang bahagi ng naturang pag-aaral, kabilang ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Ospital ng Maynila Medical Center at Jose Reyes Memorial Medical Center.

Base sa datos ng World Health Organization, noong 2016, nasa 1,786 ang mga ina na nasawi dahil sa panganganak at 10 porsyento sa mga ito ay sanhi ng Sepsis.

Facebook Comments