NANANAKOT | Tanggapan ng CHED, binulabog ng bomb threat

Manila, Philippines – Binulabog ng bomb threat ang gusali ng Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City mag-aalas tres kaninang hapon.

Sa inisyal na ulat nakatanggap ng tawag sa telepono ang front desk officer na si Agnes Mendoza at sinabi ng kausap na may sasabog na bomba sa loob ng gusali.

Agad na naglabasan ang mga empleyado at opisyal ng CHED.


Mabilis namang nakaresponde ang bomb squad ng QCPD Station 9 na kasalukuyang nag-iinspeksyon sa gusali.

Bahagya namang nagsikip ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng C.P Garcia Avenue kung saan pansamantalang nanatili ang mga empleyado ng ahensya.

Gagamitin din ng mga otoridad ang nakuhang cellphone number ng taong nasa likod ng bomb threat.

Facebook Comments