Nakatakdang mag-usap sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping tungkol sa nangyayaring malawakang kilos protesta sa Hong Kong.
Magaganap ang pag-uusap ng dalawang lider sa G20 summit sa Hunyo 28 hanggang 29 sa Osaka, Japan.
Kasabay nito, tiniyak ni Trump na mahigpit nilang babantayan ang malawakang protesta sa Hong Kong dahil sa kontrobersiyal na Extradition Bill.
Samantala nangako naman ang bagong layang Hong Kong activist na si Joshua Wong na sasama siya sa protesta upang ma-withdraw ang Extradition Bill at mapababa sa puwesto si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam.
Facebook Comments