Napapatay na miyembro ng Abu Sayyaf Group, umakyat na sa 32 mula nang magtakda ng deadline ang Pangulo para masawata ang mga ito

28

Manila, Philippines-Sumampa na sa 32 ang napapaslaang na miyembro ng Abu Sayyaf Group simula nang magtakda ng 6 na buwang deadline si Pangulong Roderigo Duterte para mapulbos ng militar ang bandidong grupo.

 

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Capt. Joan Petinglay, nakapagtala rin sila ng 22 sugatang bandido, 13 ang naaresto, at 2 naman ang sumuko.

 

Sa panig naman ng military- 28 ang nasugatan dahil sa mga bakbakan, 6 dito inilipad pa pa-Maynila para doon gamutin,

 

Pinakahuling engkwentro na naganap sa Sulu ay noong madaling araw ng Linggo, kung saan lumusob pa hanggang sa mga bakawan ang mga miyembro ng marines para bulabugin ang mga nagtatago doong Abu Sayyaf.

Facebook Comments