Nasa 412 na empleyado ng LASURECO na apektado sa kagulohan sa Marawi nakatanggap ng tulong mula sa NGCP

ILIGAN CITY- Nasa 412 na mga empleyado ng Lanao del Sur District Cooperative ang nabigyan ng food packs o tulong mula sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kahapon. Ito’y matapos halos lahat ng empleyado ng LASUREO mapa-regular man o Job Order ay naapektuhan sa kagulohang nangyayari sa lungsod ng Marawi. Sinabi ni Mr. Mark Vincent Israel, head ng Corporate Social Responsibility o CSR ng NGCP na may iisang food packs na natanggap ang lahat ng empleyado ng LASURECO na kinabibilangan ito ng bigas, can goods, tubig, personal hygiene kit at marami pang iba. Dagdag pa ni Israel, hindi lang ito ang unang pagkakataon na namahagi ng agarang tulong ang NGCP sapagkat noonng unang sumiklab ang kagulohan na nangyari sa marawi ay agad naman silang nagbigay ng mga food packs na naging biktima sa kagulohan na nasa mga evacuation centers ngayon sa lungsod ng iligan at lanao del norte. Bahagi ito ng Corporate Social Responsibility ng National Grid Corporation of the Philippines.
| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments