Kalibo, Aklan — Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Law ang isang motorista matapos na mahulihan ng baril at bala sa isinagawang checkpoint ng Kalibo PNP kaninang umaga sa national highway ng Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan. Ayon kay PMaj. Belshazzar Villanoche, hepe ng Kalibo PNP na galing sa deriksyon ng Banga ang suspek pero nang pinarahan ito para tingnan kung may lisensya ay doon nakita na baril ang laman ng kanyang sling bag. Agad itong inaresto at dinala sa Kalibo PNP at doon nalaman na isang 9mm ang dala nitong baril kung saan may dalawang magazine maliban pa sa naka chamber na sa baril. Ang isang magazine ay loaded ng 14 na bala at ang isa ay loaded ng 15 na bala na nakalagay sa bulsa ng kanyang sling bag. Base sa pag imbestiga ng Kalibo PNP ito ay pagmamay-ari ng isang retired PNP personnel kung saan itong baril ay nauna ng naireport na nawala may isang dekada na ang nakalipas. Minabuti muna ng mga otoridad na hindi pinangalanan ng suspek dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Nawawalang baril ng isang retiradong pulis ng halos may isang dekada, nakumpiska sa isang motorista sa checkpoint
Facebook Comments