NCR Plus areas, maaaring isailalim na sa MECQ sa susunod na linggo kapag gumanda ang datos ayon sa Palasyo

Nakadepende ang susunod na quarantine classification ng National Capital Region Plus areas sa resulta ng pinalawig pa na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque posibleng mapasailalim na sa Modified ECQ o MECQ ang NCR Plus bubble kapag naging maganda ang resulta ng ipinatutupad na estratehiya ng pamahalaan laban sa COVID-19 na prevention, detection, isolation, treatment, at reintegration hanggang sa Abril 11.

Sinabi ni Roque, ang mga itinakdang indicators ang gagawing pamantayan kung ibababa na sa MECQ ang quarantine classification ng NCR Plus areas higit lalo na kapag hindi na punuan ang mga ospital.


Kasunod nito, base sa Inter-Agency Task Force Resolution No.108 pinatitiyak sa Department of Education, Metro Manila Development Authority at Department of Public Works and Highways na may sapat na COVID-19 dedicated beds, complimentary health human resources, well-coordinated triage at referral systems sa bawat Local Government Unit (LGU), isolation, quarantine facilities at health facilities.

Habang pinatitiyak naman sa Department of the Interior and Local Government, Department of Labor and Employment at Department of National Defense ng IATF na paigtingin pa ang contact tracing efforts ng pamahalaan.

At sa mga LGUs na magpataw ng parusa sa mga lalabag sa quarantine protocols.

Facebook Comments