NCRPO, isinailalim sa heightened alert status ang Metro Manila kasunod ng pagsabog sa Lamitan City, Basilan

Manila, Philippines – Isinailalim na sa heightened alert status ang Metro Manila kasunod ng pagsabog sa Lamitan City, Basilan noong Martes.

Dahil dito, hinikayat ni NCRPO Regional Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang publiko na maging mapagmatiyag at agad na i-report ang mapansing kahina-hinala na kilos.

Bagaman at wala naman daw banta na natatanggap ang NCRPO pero mas maigi na din na handa ang mga pulis at residente sa buong Metro Manila.


Inatasan din ni Eleazar ang lahat ng district director na mas paigtingin pa ang pagsasagawa ng checkpoints, crime prevention operations at anti-criminality operations.

Maging ang Philippine Coast Guard at PNP Aviation Security Group ay naghigpit na ng seguridad sa paliparan at pantalan kung saan nagdagdag na din sila ng mga tauhan matapos ang naganap na pagsabog sa Lamitan, Basilan.

Facebook Comments