Newcastle disease ng mga manok, hindi nakakahawa sa tao ayon sa Department of Agriculture

Manila, Philippines – Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring natatanggap na ulat si Agriculture Secretary Manny Piñol kaugnay sa kaso ng mga manok mula sa Dumaguete na namatay dahil sa Newcastle disease.

Gayunpaman, sinabi ng kalihim na ang Newcastle Disease ay ordinaryong sakit ng mga manok at hindi nakakahawa sa tao.

Una nang sinabi ni Piñol, na malabong birdflu ang sanhi ng kamatayan ng higit 30 manok mula Dumaguete, dahil mababa na aniya ang isang libong bilang ng mga patay manok bago ituring na maaaring sanhi ito ng birdflu.


Matatandaang, kahapon kinumpirma ng DA Region 7 na apektado ng Newcastle disease ang nasa higit 30 manok mula sa Purok san Lorenzo brgy. Talay, Dumaguete City.

Facebook Comments