Nabawi ang isang ninakaw na sasakyan matapos maharang sa checkpoint ang 34-anyos na suspek sa Dasol, Pangasinan noong Setyembre 1, 2026.
Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek habang minamaneho ang mismong sasakyan, na iniulat na ninakaw noong Agosto 2.
Inireport itong nawawala ng may-ari na isang businesswoman at residente ng Alaminos City.
Agad nagsagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng 105th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB 1) at makalipas ang mahigit dalawang oras, naharang ang sasakyan na minamaneho ng suspek.
Kinumpirma ng biktima ang pagmamay-ari sa sasakyan. Dinala ang suspek at ang nakuhang sasakyan sa Dasol Municipal Police Station para sa kaukulang proseso.
Nasa kustodiya na ngayon ng Alaminos City Police Station ang suspek, habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa suspek kaugnay ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










