720 EVACUEES SA URBIZTONDO, NAKATANGGAP NG TULONG MATAPOS ANG HABAGAT

Aabot sa 720 evacuees ang nabigyan ng pagkain, tubig at serbisyong medikal sa isinagawang outreach at feeding activity ng Pangasinan Police Provincial Office (Pang PPO) noong Setyembre 1, 2026.

Isinagawa ang aktibidad sa evacuation center sa Urbiztondo ng Pangasinan Police Provincial Office, katuwang ang lokal na pamahalaan ng bayan.

Ayon sa ulat, kasama sa mga ibinigay ang mainit na pagkain at inuming tubig sa mga pamilyang pansamantalang nananatili sa evacuation center. Nagbigay rin ng medical assistance ang Provincial Medical and Dental Team (PMDT) sa mga evacuee.

Kabuuang 720 katao ang nakatanggap ng nasabing assistance sa gitna ng patuloy na epekto ng Habagat sa ilang lugar sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments