“No registration, No swimming” ipapatupad ngayon sa isla ng Boracay

Malay, Aklan – Ipapatupad na sa isla ng Boracay ang “No registration, No swimming” sa mga gustong maligo sa dagat simula ngayong araw.
Base sa Executive Order No. 027 at guidelines na inilabas kahapon ng LGU-Malay ay kailangan muna magpatala sa life guard station ang mga maliligo at kailangan ring sumunod sa minimum health standards.
Kailangan din na maipatupad ang social distancing dahilan para limitahan lamang sa 100 katao ang mga maliligo sa designated area.
May nakatakda ring oras sa paliligo na magsisimula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Kailangan din na may sariling goggles, mask at kukunan ng body temperature bago pumunta sa swimming area.
Magtatalaga naman ng 200-metro na distansya para sa mga mag beach viewing at sun bathing.
Samantala, sa mga mamamasyal naman ay kailangna rin ang social distancing at pagsuot ng face mask.

Facebook Comments