Monday, November 23, 2026

Resulta ng survey ng hypothetical matchup ng 3 senador para sa pagkapangulo sa 2028, inilabas ng Tangere

Tatlong senador ang pasok sa hypothetical three-way matchup para sa pagkapangulo sa 2028 elections ng Tangere.

Batay sa naturang survey, nanguna si Senator Bam Aquino na may 33% habang nakakuha naman si Senator Robin Padilla ng 28%.

May 16% naman si Senator Raffy Tulfo habang 23% ang piniling mag-abstain.

Ayon sa Tangere, si Aquino ang lumitaw na pinakamalakas na kandidato ng oposisyon bilang pangulo kasunod na rin ng desisyon ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo na hindi siya tatakbo bilang pangulo sa 2028.

Sa isang hypothetical two-way contest naman laban kay Padilla, nakakuha si Aquino ng 39% laban sa 31% ng kapwa senador.

Isinagawa ang survey mula November 10 hanggang 13 na nilahukan ng 1,800 respondents.

Facebook Comments