Isa na ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa North Korea, isang araw matapos na kumpirmahin ng bansa ang unang outbreak nito mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Sa ulat ng KCNA news agency, humigit-kumulang 187,000 indibidwal ang ginagamot ngayon sa isolation center sa North Korea matapos silang lagnatin na naitala mula pa noong katapusan ng Abril.
Nasa 350,000 ang nagpakita ng sintomas ng lagnat pero 162,200 dito ang gumaling na pero hindi naman tinukoy kung positibo sila sa virus.
Hindi rin bababa sa anim na indibidwal na nagpakita ng sintomas ng lagnat ang namatay kung saan isa sa kanila ang kumpirmadong tinamaan ng Omicron variant.
Facebook Comments